Saturday, December 4, 2010

Our True Friend is Him^^

Friends are just all over the world. You can be friends with someone you just knew a few seconds ago. 'Yun bang nag-tanong lang ng oras sayo e kaibigan mo na. "Excuse me, anong oras na?"... "1:30..".. "Thank you friend!:)"... Hehehe! But with all of the people you know and you think your friend, are you sure they are for real???

Nobody can really say diba? I'ts been a forever search of how to find out if they are true o baka parang teddy bear lang sila sa kwarto mo na andyan sa tabi mo pero di sila totoo. Smiling but deep inside bwisit na bwisit sa kaka-halik mo at sa amoy ng bedsheet mong isang buwan mo nang hindi pinalitan. Eeeww! Hehehe! Meron namang friend na parang langaw, hindi dahil sa mabaho ka ha... dahil may kailangan sa'yo. Parang tuko kung maka-kapit, parang linta kung maka-dikit.

Mahirap talaga hanapin si "True Friend", kahit ikaw pa ang pinakamabait sa barkada niyo, may ala-Chucky ready to stab at your back. Kahit kausapin mo pa si Detective Conan wala siyang masasabi sa'yo. Walang clue, walang traces ng pagpapaka-totoo... Anyway di mo rin naman maiintindihan dahil Hapon ang salita nun. Hehehe!

Wala talagang makakasagot niyan... a never ending search... Dahil lahat tayo ay tila artista sa kani-kanilang palabas. Kagaya ko, kaya kong maging si Ruby na Bida at kaya ko rin maging si Ruby na Kontrabida. Depende lang 'yan sa sitwasyon, pero lahat ng ginagawa mo ay sarili mong desisyon at hindi batay lamang sa ibinibigay ng sitwasyon.



On the contrary, it's good to have someone you call "friend". Specially Him up there, dun sa taas, sige na tignan mo:)... di mo lang siya minsan napapansin pero pinakikinggan ka Niya. I'm sure you will all agree that He is what we've been searching for... a true friend indeed.  Kaya stop singing "Me, myself and I" ni Beyonce' because you have Him. Itago mo na rin 'yang lubid at baygon na pinuslit mo sa nanay mo! Wa-epek 'yan!

Andito naman Siya eh... Siya, na sa kabila ng mga pagkakamali mo ay handa kang tanggapin na parang wala lang. (Him: Ano nga ulit 'yun?.. Nakalimutan ko na e, next topic na! Hehehe!) Di ka Niya iiwan kahit anong mangyari, ilang beses mo man Siyang talikuran, magpapa-welcome party pa Siya pagbalik mo.

He may give us a lot of trials but it is not meant to destroy us. It's just a way of saying how much He loves us. Para lang 'yang childhood days mo, nung nag-i-start ka pa lang matuto maglakad. Maraming beses ka nadapa diba pero tignan mo ngayon ang galing galing mo na! Yehey!:)

Kaya don't ever take Him for granted. He may not respond to everything that you say but He listens attentively. You may not feel it but He gives you a hug during cold times.

In times that we don't know what to do He secretly whispers and give us the answers we need.

So take some time to thank Him... because He is our ONE TRUE FRIEND!:)

1 comment:

  1. Approved... naniniwala q jan Rubz, here's another inspirational message about HIM.. Kaibigan nating lahat

    ReplyDelete