Saturday, December 15, 2012

Dear Mangled Heart ♥


Dear Mangled Heart,

          Two bottles + upbeat music every night?? Tsk! Tsk! Tignan mo, halos mamulubi na mga kaibigan mo kaka-gimik nyo! Sa first week ng break-up maiiintindihan nila yan, pero kung isang bwan na.. sus! Ang weak mo! MOMOL-MOMOL din kasi.. as in MOVE-ON- MOVE-ON lang. Hihihi!

          Indeed, the hardest times of our lives are those when we're alone, mas nagfa-function ang utak na'ten eh. And we always reminisce BAD MEMORIES! We may think of the good ones but we always end up with the bad ones. May payakap-yakap ka pa sa sarili mo! Ang BADUY!

          It is never wrong to love someone so much. Wala pa namang naipapasang batas tungkol dyan. Pero kaylangan mahalin mo muna ang sarili mo more than anybody else. Be selfless! Magpa-kontrabida type ka minsan.

          Sabi nga ni Jovit, "too much love will kill you". Ang dami nang namatay at nabaliw dahil sa pag-ibig. Kasi nakulong tayo sa prinsipyong ipaglaban ang ating nararamdaman... which is wrong! Di mo kailangan gawin yun lalo na kung yung mismong taong ipinaglaban mo eh sumuko na. Kaya kung iniisip mong sugurin ang karibal mo sa mall at barilin, please lang, WAG NA! Ang haba na kaya ng pila sa pagche-check ng bag! Hehehe!

         Enough... Yeah! 'Yan ang salita para sa'yo kapatid! Pag sinabing goodbye, turn around, step back, gawin mo lahat para lumayo. (Gayahin mo strategy sa Angry Birds, mas malakas na pwersa, mas malayo ang mararating diba? :)) Learn to R-E-S-P-E-C-T! Love is a gamble, a game of chances. Maswere ka kung sa unang subok mo pa lang eh wagi ka na pero most of the time mabibigo ka, masasaktan at mamamaga ang mata kakaiyak. Lahat 'yan mararanasan mo until you reach that famous happy ending. :)

          'Wag mong isiping nag-iisa ka, tignan mo, may nakikibasa sa likod mo. Hehehe! At wag na wag mong hilingin na magkatotoo ang end-of-the-world chuvaness sa Dec 21, walang damayan dre!

          But seriously, I believe that God created someone especially for you :).. kaya kalma ka lang dude! Tandaan mo, ang paghahanap ng true love ay di kasing dali ng pagse-search sa Google. It will come! In God's perfect timing :) Pero ngayon... sige, iyak ka muna! Chos!

Very Truly Yours,
Brand New Heart

No comments:

Post a Comment