Maraming nagsasabing sa high school ang pinaka-memorable sa lahat ng graduation na mangyayari sa buhay mo. But I must say, college graduation ang hinding-hindi ko makakalimutan. I've had the best of friends, classmates, professors (weh??) and school (ows??). Hehehe! I never regret that I had to wait for two years. Ngayon ko lang na-realize na may purpose pala yun, to meet this wonderful people. Kaya kahit inaasar nyo ko guys, ok lang, kapalit naman nun ay ang walang humpay na tawanan at saya sa piling nyo. Naks!
Naaalala ko pa ang mga panahon na para tayong mga youtube babies aiming to be recognized. And today, we've had our infinite views. Cameras keep flashin'... necks were breakin'. Feeling celebrity tayo as we walk heading to the stage getting our diplomas. At ngayong hawak na natin ang limang taong pinaghirapan, ano na? Well, namnamin muna natin ang kagalakan at tsaka na pag-isipan ang susunod na hakbangin. (Ganito ba talaga pag naka-graduate na, ang lalim na magsalita. hehehe!)
Our journey is something that I would treasure for all my life. Mahirap makahanap ng mga kaklaseng magpapakoya sayo kapag may assignments at tuwing exams. Hehehe!
Each and everyone has touched my life in a very simple yet meaningful way. Di lang ako madalas mag-react pero naa-appreciate ko ang lahat. Mami-miss ko ang ating mga laugh trip, gala at never ending revisions. Hehehe!
Maraming maraming salamat sa inyong lahat! To my friends, Arrianne, Marvie, Psalm thank you para sa ating first year to fifth year and to never-ending year friendship.
Sa mga palaka, Joyce, Agnes, Princes, Mae, Maricon, para sa walang hangganang tawanan. Walang awkward moments sa inyo froggies! Hehehe!
Kay Mark, kahit naudlot ang aming pagiging mag-best friend... salamat sa hug! I would have appreciate it more kung may kiss pa! Joke lang Marvs! Hahaha!
Kay Tin, Joan, Raffy, Brian, Paul, Line, salamat para sa mga times na kailangan ko kayo, lalo na sa lrt! Salamat sa tissue Line! Hahaha!
Salamat Ianna na kahit sa sandaling panahon ay naging magkaibigan tayo. Sayang, kung naging close lang tayo ng mas maaga....
Kay Lola kanina na inayos ang dress ko at natuwa sa legs kong peke, with matching hipo pa! hahaha!
Sa mga naiwan, lalo na kay Chini at Erick, wag kayo mag-alala, God has a better plan for you kaya ganun.:)
Para kay Erwin na tumulong sakin at tiniis ang mga topak ko, maraming salamat!
Sa mga DOTA boys, sa BAKBALIKWA, sa LOVERS, sa 5 and up at sa lahat ng bumubo ng BSCOE Batch 2011, maraming maraming salamat!
Sad to say, that we had our last remaining days in our dear Alma Mater:( Kung magkikita pa tayo... nobody knows, but I wish the best of luck for you guys. May we find our happiness, may we conquer our fears, may we overcome the obstacles and may we fulfill our dreams.
Good luck Engineers!:)
(o diba parang speech lang.. hahaha!)
No comments:
Post a Comment