Maraming eksena ang nagaganap sa mga pampublikong sasakyan gaya ng bus, FX, MRT, LRT at kung anu-ano pa. Pero ang masasabi kong pinaka-oustanding sa lahat ay ang jeep. Bakit?.. simple lang, maliit lamang ito, madaming sumasakay na kung minsan ang “syaman” ay nagiging “syampuan”. Rubbing elbows ka sa iba’t ibang klase ng tao. Lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari pa lamang ay madali mong masasaksihan.
MGA EKSENA SA…
kalye...
Karaniwan na ang traffic, nakawan, snatcher, holdaper. Idagdag mo pa ang mga batang nakikipag-patintero sa daan, sasakay ng jeep at pupunasan ang sapatos mo ng basahang mas malinis pa sa talampakan ng sapatos mo. Matapos nun ay titingin sayo na parang sobrang kawawa at hihingi ng limos. Pagbaba ng jeep ay biglang nakalimutan ang "maawa ka sa'ken" drama. Hehehe!
Sa loob ng jeep…
ang driver…
Naranasan mo na bang mapagkamalang hindi nagbayad ng pamasahe at sa buong ruta ay nakatingin sayo ng masama ang driver at parang gusto kang kainin ng buhay. Naranasan mo na rin bang hindi masuklian at nang kulitin mo ang driver ay patay-malisya lamang at animoy may suot na headset at kulang na lang ay yumugyog sa kantang soulja boy.
Uso na din ngayon ang mga "patok" na jeep. 'Yun yung mga driver na kung makahawi ng manibela ay parang nasa pelikulang fast and furious at kung maririnig mo ang background music ay parang matatanggal ang tutuli mo sa tenga. O diba? libreng pangtanggal ng tutuli, san ka p?! Hehehe!
Uso na din ngayon ang mga "patok" na jeep. 'Yun yung mga driver na kung makahawi ng manibela ay parang nasa pelikulang fast and furious at kung maririnig mo ang background music ay parang matatanggal ang tutuli mo sa tenga. O diba? libreng pangtanggal ng tutuli, san ka p?! Hehehe!
Ang pasahero…
Marami sa mga commuters ang pagod, puyat kaya’t inaabot ng antok sa jeep. Kung makakatabi mo sila, isa lang ang masasabi ko, “ang malas mo!” Hehehe! Ang iba kasi sa kanila ay nagkukunwari lang para maka-iskor. Oo, manyak sila! Haaays... may araw din sila!
Sa pagbaba…
Ewan ko ba kung bakit kapag may bababa ng jeep ay tila isang celebrity na pinagmamasdan ang bawat hakbang ng paa. At ‘pag patay na ang ilaw ng “spotlight” ay magmamadaling magsi-usugan papunta malapit sa babaan. Human nature daw 'yun e. Hehehe!
Sa pag-abot ng bayad…
Uso sa jeep ang abutan ng bayad pero may ibang pasahero na hindi nakaintindi sa prinsipyong ito. Ito yung mga taong gusto mong batukan dahil kahit nakita na nilang ngawit na ngawit ka na e babaling ng tingin sa iba. Meron naman dyan na pagkatapos mag-abot ng bayad e bigalng ilalabas ang alcohol at whoosh! whoosh! tepok ang germs! Hehehe!
Kung meron namang problema sa nag-aabot e meron din naman sa nagpapa-abot. Aminin man nila o hindi, merong ibang pasahero na kahit pareho kayong nasa dulo ay ii-insist pa ring ipa-abot ang bayad. At ang nagmagandang-loob ay halos sumindi ang pwet sa ilang beses na pagkiskis sa upuan.
Ilan lamang ito sa mga totoong nangyayari sa loob at labas ng jeep. "Eksenang Jeepney", ito 'yung mga bagay na nararanasan lang ng mga ordinaryong tao, karanasang kailanmay hindi magkakaron ang mga mayayaman. Mga karanasang ipinagdamot ng tadhana sa kanila. Hehehe!
Kulang pa lahat ng nabanggit ko dito, marami pang eksena ang nangyari, nangyayari at mangyayari.
No comments:
Post a Comment