Tuesday, November 30, 2010

...

Thank you guys! ...sa lahat ng bumati sa'ken kahapon. I promise to make a story about it. Di ko pa rin talaga alam kung panu mag-start e, at wala pa masyadong time. Hehehe!
Maraming maraming salamat ulit!:)

Monday, November 29, 2010

a piece of shit!!!


...where's my black forest cake???
Okay, I guess I have to be satisfied with this piece of shit. After all, not everyone gets a birthday cake kahit through facebook lang. Hehehe! I may not get the real thing but this made my birthday kahit bukas pa 'yun. Hehehe!
Laughter and happiness is the most important gift!
Thanks to my good friend Louie!:)

Sunday, November 28, 2010

The Bolero Song... (but damn, it feels good! hahaha!)




Pinaulit-ulit ko pa yan, dahil feel na feel ko ang kanta with matching papikit-pikit pa. Pakiramdam ko, kaming dalawa lang ni Bruno Mars ang tao sa mundo at sobra-sobra niya kong pinupuri. Pang- Ms. Universe ang drama ko, pa-wave wave pa. Ahem! Ahem! Eshus me, ang hair ko! Hehehe!

Girls, this is a perfect bolero song! Perfect ang melody, perfect ang lyrics na 100% puro bola! When it comes to the part of the lyrics na, "She's so beautiful... and I tell her everyday", parang tumigil ang mundo for a while. Sorry sa ka-cheesy-han, but it's soooo true! It makes me wanna marry Bruno Mars at pakakantahin ko lang siya all-day-long. At pag di na niya kaya kumanta at wa-epek na ang salabat, divorce na kami. Wahahaha!

Creativity of the video was excellent, gumamit ba naman ng tape e. But dude, the whole music video sucks! Mas okay pa kung mas simpleng babae ang ilagay dyan at hindi supermodel, di makatotohanan e. Kung ganyan naman ka-hot ang girlfriend mo malamang "when you see her face, there's not a thing that you would change" diba? E kung ako kaya ang babae dun???... Pwede!!! Nice idea! We'll find justice to the song by doing that. My imperfections are perfect for the song. Hahaha!

Actually, the song is so surreal! Sino bang lalaki ang nagbibigay ng compliment araw-araw? Wala pa kong nakilala na ipapaalala niya sayo kung gaano ka kaganda at araw-araw pa ah. Well boys are like songs kasi, pag nasa kasarapan na, 'yung parang nasa chorus na, pause na. Introducing.... Tenen! the intro boys! 'Yan na ang tawag ko sa kanila ngayon. Hehehe!... Why? 'Coz at first, they would make you feel like you're the most perfect woman in the whole wide world, parang pang-diyosa ang beauty mo 'te! Then 3 months or so, wala na, nagka-amnesia na sila at hihintayin mo na lang na sabihin nila na "maganda ka pala?".

Kaya nga I somehow don't believe in the song but good things are only in dreams diba? Sa umpisa lang naman sila sweet and caring then eventually, biglang lalayasan ka na ng mga langgam saying, "I hate you, you're so bitter! blerg! blerg!". At lalong hindi ako naniniwala sa sinabi ni pareng Bruno(friends na kami:)) na, "there's not a thing that I would change". Ows??? Naturally, boys are reklamador and maarte! grrr! You would sometimes hear them saying, "Parang hindi bagay sayo 'yan" or " Parang mas bagay sa'yo 'yung ganito". Right girls??? Right! Right!

But boys are inexpressive that's why they seldom say how beautiful you are. (Pambawi lang! Hehehe!) Love nila tayong mga girls no matter what. Kahit sakop pa ng noo mo ang buong mukha mo o kahit "to the left, to the left" pa ang ilong mo. Opo, totoo po ang sinabi ni pareng Bruno(biglang bawi? Hehehe!), kahit ano ka pa, tanggap ka niya, basta true love 'yan ha at hindi pagsintang *toot* lang. Pero dahil inexpressive sila, tititigan ka na lang nila, at parang gusto ka nang hubaran. Yuck! Manyak pala! Hahaha! Joke lang! Walang "manyakang" mangyayari kung true love at hindi pagsintang *toot* yan, gaya ng sabi ko kanina.:)

Bago pa man lumabas ang mga litid niyo sa galit, ituloy niyo muna ang pagbabasa.:)

Eto lang ang maipapayo ko sa inyo:

Girls... always trust your boys, I may have said a lot of negative things about them but loving them the right way is a key to make them stay. They may not compliment you all the time but believe me, you're beautiful! Di na nila kailangan pang sabihin 'yan, dahil mararamdaman mo naman 'yan e. And based on some magazines I've read, boys may be attracted to beautiful, big-breasted, killer ass girls but they don't want to sleep with them. Loyal talaga sila... kaya walang binatbat si Cristine Reyes sa'yo, dahil for sure ikaw lang ang nasa puso nya.... well, depende kung hindi sila manyak. Hehehe!

Boys... NEVER take for granted your girls. Don't be like the "intro-boys", as much as possible, remain whatever the sweetness your relationship have from the start. 'Wag kayong mahiya to express how you feel, hindi kabawasan sa pagkalalake 'yan dude. Hehehe! It's nice to give compliment to your girlfriends sometimes but everyday is a "two thumbs up"!

...and for you Bruno Mars...(slow clap, slow clap) BRAVO! BRAVO! Thank You! You made me smile!:)

Saturday, November 27, 2010

I am sorry...(ruby version):)

For those who were wondering why "Bible... Not for Sale" is unseen here in my blog.... I already deleted it!:)

Receiving negative comments on my post means I have to do it. Sobrang proud ako na parang meron na kong HATERS sa panaginip ko, coz' it really means "Having Anger Towards Everyone Reaching Success". Hahaha! 

It was hard deleting something you worked hard for. Really! Hehehe! Gustong-gusto kong ipaglaban ang post ko but that's just the only way to avoid "intriga".... coz' it's unstoppable until the "issue-maker" is still existing. Kaya naman sa puso at isip ko na lang pinaninindigan ang post ko and deleting it doesn't really mean sumusuko na ko. Hehehe!

I can take criticisms on my blog because it will help me improve whatever it is that is in need for improvement. However, criticism on the blogger is way toooo personal! The only purpose of the blogger is to speak her mind over the issue. If, somehow I stepped on your "beliefs", I'm really sorry... Hey, I don't wanna look like the ex-president saying "I am sorry" with an insincere look... just forgive me okay??? Hehehe!

Sorry guys... for wasting your time reading my blog and right now I don't know if it's still worth reading for. All we have to do right now is to completely forget about it because what happen will just serve as a lesson for everyone. 

LOVE... PEACE AND HAPPINESS!:)

Friday, November 19, 2010

"EKSENANG JEEPNEY"


Maraming eksena ang nagaganap sa mga pampublikong sasakyan  gaya ng bus, FX, MRT, LRT at kung anu-ano pa. Pero ang masasabi kong pinaka-oustanding sa lahat ay ang jeep. Bakit?.. simple lang, maliit lamang ito, madaming sumasakay na kung minsan ang “syaman” ay nagiging “syampuan”. Rubbing elbows ka sa iba’t ibang klase ng tao. Lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari pa lamang ay madali mong masasaksihan.
MGA EKSENA SA…
kalye...

Karaniwan na ang traffic, nakawan, snatcher, holdaper. Idagdag mo pa ang mga batang nakikipag-patintero sa daan, sasakay ng jeep at pupunasan ang sapatos mo ng basahang mas malinis pa sa talampakan ng sapatos mo. Matapos nun ay titingin sayo na parang sobrang kawawa at hihingi ng limos. Pagbaba ng jeep ay biglang nakalimutan ang "maawa ka sa'ken" drama. Hehehe!
Sa loob ng jeep…
     ang driver…

Naranasan mo na bang mapagkamalang hindi nagbayad ng pamasahe at sa buong ruta ay nakatingin sayo ng masama ang driver at parang gusto kang kainin ng buhay. Naranasan mo na rin bang hindi masuklian at nang kulitin mo ang driver ay patay-malisya lamang at animoy may suot na headset at kulang na lang ay yumugyog sa kantang soulja boy.
Uso na din ngayon ang mga "patok" na jeep. 'Yun yung mga driver na kung makahawi ng manibela ay parang nasa pelikulang fast and furious at kung maririnig mo ang background music ay parang matatanggal ang tutuli mo sa tenga. O diba? libreng pangtanggal ng tutuli, san ka p?! Hehehe!
     Ang pasahero…

Marami sa mga commuters ang pagod, puyat kaya’t inaabot ng antok sa jeep. Kung makakatabi mo sila, isa lang ang masasabi ko, “ang malas mo!” Hehehe! Ang iba kasi sa kanila ay nagkukunwari lang para maka-iskor. Oo, manyak sila! Haaays... may araw din sila!
     Sa pagbaba…
Ewan ko ba kung bakit kapag may bababa ng jeep ay tila isang celebrity na pinagmamasdan ang bawat hakbang ng paa. At ‘pag patay na ang ilaw ng “spotlight” ay magmamadaling magsi-usugan papunta malapit sa babaan. Human nature daw 'yun e. Hehehe!
     Sa pag-abot ng bayad…
Uso sa jeep ang abutan ng bayad pero may ibang pasahero na hindi nakaintindi sa prinsipyong ito. Ito yung mga taong gusto mong batukan dahil kahit nakita na nilang ngawit na ngawit ka na e babaling ng tingin sa iba. Meron naman dyan na pagkatapos mag-abot ng bayad e bigalng ilalabas ang alcohol at whoosh! whoosh! tepok ang germs! Hehehe!
Kung meron namang problema sa nag-aabot e meron din naman sa nagpapa-abot. Aminin man nila  o hindi, merong ibang pasahero na kahit pareho kayong nasa dulo ay ii-insist pa ring ipa-abot ang bayad. At ang nagmagandang-loob ay halos sumindi ang pwet sa ilang beses na pagkiskis sa upuan.

Ilan lamang ito sa mga totoong nangyayari sa loob at labas ng jeep. "Eksenang Jeepney", ito 'yung mga bagay na nararanasan lang ng mga ordinaryong tao, karanasang kailanmay hindi magkakaron ang mga mayayaman. Mga karanasang ipinagdamot ng tadhana sa kanila. Hehehe!
Kulang pa lahat ng nabanggit ko dito, marami pang eksena ang nangyari, nangyayari at mangyayari.

My Birthday Wishlist


 I'm sooooo excited!!! 11 days to go birthday ko na!!! I still don't know what to expect on that day. But I now have "my birthday wishlist". :)
My birthday wishlist consists of the things I wanted to have and I wanted to be... to achieve in the near future. Naks!
Since this blog doesn't have a "celebrity status", I'll share it here.
1. First on my list is the "super mababaw" and not that hard to find gift... actually the very common gift of all time... THE BIRTHDAY CAKE!!!!
I always see this cake in a commercial na wag na nating banggitin because it already has its popularity. Hehehe! But you'll surely recognize this cake, it's very mouth watering, as in every time na nakikita ko 'yung commercial na 'yun it makes me wanna massacre that cake! It's like I can hear the cake saying, "Ruby, come to me!!". Hahaha!!! Definitely, it's a must-have!

2. I want to be taller!
 "Neng, anong oras na?"... "Paabot nga ng bayad, Ne.".... What the hell! I'm 22... okay, I'm turning 23, but still people call me Nene, Neng, Ne, etc.
Even on the last barangay election, people had mistaken me voting for SK. Mukha daw akong bata! Hahaha! Yup, I wanted to look young, ang hirap din i-achieve nun noh. Pero ang gusto ko 'yung young na pang-dalaga. People will address me as Miss. Hahaha!

3. Ever since grade school pa ko, I've always wanted to a broadcaster. A lot of people were saying I misfit to that kind of profession but still I wanted to pursue it (wow serious! hehehe!). Well, let me describe myself before you jump into any conclusions or reactions. I'm a homebody, simple girl, hindi ako madaldal as everyone were saying a requirement to being a broadcaster... then why do I want to be one??? Do I really need a reason?... I just want to, I will be happy doing it! Gusto ko 'yung trabahong "on call", it's a great experience when everyday is a surprise, as in wala kang idea kung anong mangyayari for a certain day, walang definite schedule.
Oh, wait, I said "on call", then why not being a doctor??... Kasi I have this fear of blood galore, I remember when I was young, I had this cut on my finger because of my "kakulitan", though it wasn't that serious nahimatay pa rin ako. Hahaha! So that explains why I can't be a doctor.
Okay I hear you saying, "why not a fire woman, on call din 'yun diba?".... My skills are not ready for any physical activities, di kaya ng powers ko 'yun. Hehehe!
Okay I hear you saying again a lot of professions, but please pagbigyan niyo na ko. I really wanted to be a broadcaster. Hehehe!
Ssssshhh! Stop asking.:)

4. I'll travel the world soon! Naiinggit ako sa mga pictures ng ibang tao sa iba't ibang lugar, in and out of the country. Kaya napag-isip-isip ko, gusto kong maglakbay! Hehehe! Of course, I'll start conquering Philippines first at tsaka ko na poproblemahin ang ibang bansa. Different country, different people, different culture, para mo na ring nire-recall ang history class mo. Nice adventure diba? Hehehe!

Someday I'll fill in this world map with push-pins indicating the places I've been to...

These are some of my "kababawans" on my wishlist. Alam ko marami pa 'yan pero di ko na maalala lahat. Sabi nga nila, "well done is better than well said"(oh, yeah!), so sana ma-achieve at magawa ko 'yan.Wish me luck!:)